Kaso napagod nadin ako. Sa mga simpleng bagay na napagaawayan. Oo, andun na tayo sa fact na, we have “something” na hindi maintindihan ng iba. Yung mga simpleng bagay lang para sa ibang tao, syempre sa atin malaki na yun. Naiintindihan ko yun. Pero dumating na lang sa point na naisip kong mas mahal ko naman yung sarili ko. Nakakapagod na. :’(
Gusto kong ipaglaban kung anong meron sating dalawa. Kasi you really deserve to be loved, baby. Pero paano naman ako? :( Hindi mo ba naisip na nahihirapan din naman ako. Hindi lang ikaw ang may masakit na nakaraan. Nahihirapan din akong magtiwala at maniwala sa mga sinasabi mo. Pero pinipilit ko, kasi mahal nga kita. Gusto kong suyuin ka ng suyuin kasi alam kong ako din ang may kasalanan kung bakit nangyari ‘to. Pero sobra naman na. Ilang araw kitang sinusuyo. Hindi mo man lang ako pinapansin. :’(
Nahihirapan akong harapin ka, kasi hindi magkasundo yung sinasabi ng utak at puso ko. Yung pakiramdaman na gusto na kitang yakapin pero naiisip ko wag na lang. Kasi alam kong wala lang din naman yun. I love you and I miss you. :’) We will be okay soon. Alam ko yan. Pero sana mas okay na. :)
*Please baby, wag na wag kang gagawa ng ikasasama ng loob ko, towards you. Ayokong dumating na lang yung isang araw na galit na yung nararamdaman ko sayo. hindi na love.
“May mga bagay na kahit alam mo ang dapat gawin, hindi mo magawa dahil may sariling dahilan ka na pumipigil dito. Kahit ayaw mo na o suko ka na wala ka padin magawa. Minsan nga ay naiinis ka na sa sarili mo dahil sa kamalian na ginagawa mo. Kahit lumayo ka ay hindi mo magawa dahil may oras na hinahatak ka pabalik at tinatali ka sa sitwasyon. Nasasaktan ka na pero hinahayaan mo lang at ikaw pa ang lalabas na mali sa mga ginagawa mo. Kailan ka ba magiging masaya? Kailan ba mapapawi ang hapdi at sakit na iyong nadarama? Bumangon ka. Tama na.”
RELATE!
